Mga Pahina

Biyernes, Marso 11, 2011

Pabula ng Cordillera


Basahin ng mabuti ang pabula na nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
 1. May makikita bang kultura ng Cordillera sa pabulang binasa? Ipaliwanag.
2. Ano ang kaugalian, gawain, pagkatao, at pamumuhay ng mga Cordillerans na makikita sa pagkatao ni MAng Kardo? Ipaliwanag.
3. Ano ang sinisimbolo ni Aso sa kultura ng mga Cordillera na makikita sa pabula. Ipaliwanag.
4. Ano ang sinisimbolo ni Ipis sa buhay ng mg Cordillerans at sa kulturang Filipino? Ipaliwanag.
5. Mamili ng isang katangian sa ng mga taga Cordillera na may kaugnayan sa iyong kultura. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili
a. masipag
b. mabait
c. mapagmahal
d. matiyaga



 

Si Aso at si Ipis
Nina Ana-ao, Adolf A.; Nerida, Joana T.; Vergara Myka

Mataas ang mga punong nakapaligid sa bahay. Malawak din ang hardin sa likuran.Napaligiran ng mga palay at mga pananim ang bahat ni Mang Kardo.  Sa harap naman, malapit sa pintuan ay ang tulugan ng aso. Maliit lang ang bahay ngunit parang paraiso ang kapaligiran nito. Nag-iisa kasi ang bahay ni Mang Kardo sa bundok na iyon at ang kanyang kapithbahay ay sa kabilang bundok pa nakitira.
Araw ng lunes at abalang nagluluto si Mang Kardo sa loob ng bahay. Kaarawan kasi ng kanyang apo at isang surpresa ang kanyang inihanda. Nagluto siya ng pinakamasarap na kanin na kanyang ibinayo lamang kaninang umaga. ng Naghanda rin siya ng pinikpikan na sinamahan ng etag upang maslalo pang maging masarap ang kanilang ulam. At upang mas lalong maging masaya ang apo ay nagluto rin siya ng dalawang patong na cake para sa kanynag apo. Binilin niya ang kanyang aso na bantayan ang kanilang bahay dahil susunduin niya ang kanyang apo sa kabilang bundok. Sinabi niyang matatagalan pa ito kaya ang aso muna ang bahala sa kanilang bahay.
“Sige, mag-iingat ka sa pagbaba ng bundok, makakaasa ka na babantayan ko ang bahay pati narin ang mga niluto mong mga pagkain.” yan ang sabi ng aso. Naisip niya, siguradong bibigyan naman siya ng kanyang amo sa inihanda nitong pagkain kaya minabuti niyang bantayan ng mabuti ang bahay.
Tinawag ng Aso ang kaibigang Ipis at sinabing tulungan siya sa pagbabanatay ng bahay. Pinaakyat niya ito sa bubungan ng bahay para makita niya ang mga taong may masasamang balak at upang masabihan siya agad. Umakyat nga ang ipis ngunit nakita nito ang cake sa lamesa, bigla siyang nagutom. Hindi napigilan ni Ipis ang kanyang sarili kaya tinawag niya na rin ang kanyang mga anak at mga kapamilya na alam niyang gutom din. Kinain nila ang higit sa kalahati ng cake at humigop ng sabaw ng pinikpikan na may etag.
Nang umuwi si Mang Kardo kasama ang apo nito ay nagulat sila ng makita nila ang cake at ang ilang putahe na nagkakalat-kalat. Galit na galit si Mang Kardo. Tinawag niya ang aso at ikinulong ito sa pag-aakalang ito ang gumawa ng kalokohang iyon. Alam ng aso na ang kaibigang ipis ang gumawa ng bagay na ito, pero hindi niya ito sinabi sa kanyang amo.
Nakita ng ipis ang paghihirap ng Aso at naawa siya sa kanyang kaibigan. Nag-isip siya ng paraan para iligtas ang kaibigan ngunit wala siyang magawa kaya isang plano ang nabuo sa kanyang isip.
“Kawawa ang kaibigan ko. Kailangang ako ang magbayad sa kasalanang ginawa ko”. Naisaisip ni ipis.
Isang umagang naghahanda ng almusal si Mang Kardo ay umakyat ang ipis sa lamesa at sinadyang ipakita sa matanda ang paglantak sa almusal nito. Nakita ng aso ang ginagawa ng ipis at tinahulan niya ito. “Huwag ipis, kung makita ka ng amo ko ay ikulong ka katulad ko.” tahol pa nito, “hayaan mong malaman niya na ako ang gumagawa nito para makalaya ka.”sagot ni ipis.
Nakita nga ni Mang kardo ang ipis at sa isang hampas nito ng aklong hawak ay namatay ang ipis. Naisip niya na ito rin ang kumain sa handa ng kanyang apo, dahil dito ay pinakawalan niya at muling minahal ang aso.
Masaya ang aso na Malaya na siya, ngunit na hahabag naman siya sa kaibigang ipis.
“Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.” dalangin ng Aso.









Ang Aso ay hindi lamang tunay na kaibigan ng tao kundi isa ring tagabantay ng ating buhay.
Ang Ipis ay sinasabing peste sa ating buhay pero ayon sa reasearch ay malaki ang naitutulong nito upang mabilis na matunaw ang plastic.

6 (na) komento:

  1. ..ang kaugalian, gawain ng mga cordillerans na makikita kay mang kardo ay ang pagiging isang masipag at tunay na ama o lolo sa kanyang anak at apo...
    ... maaari ding sabihin natin na siya ay nagsasakripisyo sa pamamagitan ng pagsasaka,dahil sa kanyang maraming malalagong mga pananim.Itoy buhayin ang kanyang mga pamilya na siyang gawain ng isang cordilleran.....thamk u po..

    TumugonBurahin
  2. xtine rivera 2

    blg.2
    ang kaugalian d2 na nabasa q ay ang paghahanda ng pagkain tulad ng pinikpikan,etag,pagbabayo ng bpalay par maging bigas at ang 2 patong na cake.

    PAMUMUHAY
    ayon sa nabasa q sa pabula ang pamumuhay d2 ay ang pagtatanim ng palay.

    BLG.5
    Ang aking sagot ay "A" masipag

    MASIPAG
    ang akng npili dhl ang taga zambales ay macpag magtanim ng palay kaya nga tinagiang RICE BOWL ang ZAMBALES:)

    TumugonBurahin
  3. Hello how come po ang pabulang ito ay pagmamay ari ng Cordillera? According po sa filipino curriculum guide ay galing po ito sa mindanao

    TumugonBurahin
  4. paano mo nasabi na malaki Ang naitutulong Ng ipis sa mabilis na pagtunaw Ng plastic?

    TumugonBurahin
  5. Ti 89 Titanium Calculator | Best Calculator for Calculating the Payout
    Ti 89 is a calculator that allows 사설토토 you to calculate the 2016 ford focus titanium return titanium oxide formula of your bet, titanium vs ceramic depending on the market titanium nose jewelry you are placing. If you are placing a

    TumugonBurahin